Saturday, November 10, 2012

1 Patay 2 Sugatan dahil sa DOTA

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun sila. Masyado silang paapekto sa mga nilalaro nila. Pati tuloy barya ng mga Nanay nila kinukupit pa. Minsan pumapasok ako sa isang computer shop bigla akong magugulat kasi yung tahimik kong pagpasok biglang natakpan ng hiyawan at sigawan. Ewan ko kung natutuwa ba silang pumasok ako na para bang nakakita sila ng gwapong katulad ko o di kaya'y nakakita lang talaga sila ng isang gwapong katulad ko. Haha. Anyway, nagulat lang ako sa isang picture na nakita ko sa Facebook kanina. 1 patay at 2 sugatan dahil sa DOTA! Ano po kaya yun? Ang nonsense naman ng pagkamatay at pagkasugat nung mga bata. Masyado nang sinira ng DOTA ang kinabukasan ng ating lipunan. Pati DOTA nakamamatay na pala. Sana aksyonan ng Gobyerno natin ang DOTA. Imbis na igugol nila ang oras sa paggawagawa ng shit na Cybercrime Law na yan, sana mas lalo na lang nilang higpitan ang patakaran sa mga computer shop na yan. Tinututokan nila ng husto ang cybercrime kesa sa real life crime. Masyado yatang emosyonal yung mga kabataang nasangkot sa DOTA homicide na yun at umabot pa sa patayan ang drama nila. Na-first blood tuloy siya. Eto lang ang payo ko, a DOTA a day keeps the girlfriend away. Meaning, mananatili kang virgin kung simula pa lang ng iyong pagbibinata ay naglalaro ka na ng DOTA.

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets