Sunday, October 16, 2016

Our Lady of Fatima College Criminology Student Nagwala sa Bus

Eto at may isa nanamang pasikat sa mundo ng Social Media. Isang estudyante ng Our Lady of Fatima College na kumukuha ng kursong B.S. Criminology and nanapak at nagsisisigaw sa loob ng bus na may bitbit na baril. Ang hambog na estudyante ay di pa nakikilala pero makikita sa video na nakauniporme pa eto. Hindi pa nga Police ang batang eto pero mayabang na at pasikat pa. Natakot umano ang mga tao sa loob ng bus pati ang conductor na tumulong sa grupo ng babae dahil may bitbit daw na baril ang estudyante.

Nangyari kasi ay nagpicture ang magbabarkada na grupo ng babae at sa picture ay nasapasali ang estudyante habang naka "Dirty Finger" ito. Naoffend ang grupo ng babae at kinompronta ang estudyante na siyang kinagalit nito. Dun na nagsimula ang kagulohan at pananapak ng estudyante ng Our Lady of Fatima College.


Sana ay maaksyonan ito ng Administrasyon ng Fatima College para mabigyan ng parusa ang estudyante. Malaking kahihiyan ito para sa eskwelahan. At ang estudyante ay di na dapat pang pag-aralin pa sa kanila para di na mapatuloy ang kursong Criminology. Kung sakaling maging police officer eto ay malamang na magiging hambog ito at sakit sa ulo ng kanyang Chief of Police. Magagalit si Duterte nyan Boy!

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets