Tuesday, December 1, 2015

Isang mensahe sa lahat ng Netizen tungkol kay Mayor Duterte


Alam ko hindi ako sikat, hindi ako kilala sa ating lipunan. Pero ako’y isang Pilipino at ako’y mayroong pagnanasang makamtan ang kaayusan sa ating bansa. Ngayong nalalapit na ang eleksyon, marami ang nagkakagulo. Siraan dito, siraan doon. Yung tipong halos magpatayan na ang mga netizen sa social media. Hindi ko ipagkakailang supporter ako ni Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at hangad ko na magawa nya sa ating bansa ang nagawa niya sa Davao City. Nagkaroon ako ng pagkakataong mabisita ang Davao noong 2014 at napabilib ako sa kaayusan na aking nakita. Paglalakad sa dis oras ng gabi, ramdam mo na talagang walang masamang taong umaaligid sa lansangan. Sa pagpapastrikto nya sa speed limit, naiwasan ang mga walang kabuluhang disgrasya gawa ng pagpapabilis ng pagpapatakbo ng mga sasakyan. Maayos rin ang kanilang airport kumpara sa NAIA. Meron pa silang 911 Emergency na wala sa ibang lugar sa Pilipinas. Mabilis daw ang kanilang response time pagdating sa pagpapadala ng Emergency Unit. Maayos ang pamamalakad ni Mayor Duterte sa Davao lalo na sa Crime Prevention. Hindi ko sinasabing perpekto ang Davao pero sigurado akong maayos ito. Ayaw kong manira ng ibang Politiko dahil may kanya kanya naman silang kakayahan. Sana ganito lang ang mga Pinoy, walang siraan sa Social Media at sana ipagyabang na lang nila ang mga nagawa ng kanilang mga iniidolo. Yun lang po at sana maging maayos ang Pilipinas. Vote Duterte for President!

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets