Isa sa pinakaayaw ko kapag natutulog ay yung binabangungot ako. Ilang beses ko na tong naranasan. Nagsimula ang lahat isang gabi sa bahay ng aking Tita sa Las Piñas. Dati, akala ko kalokohan lang lahat ang bangungot pero nung naranasan ko na, hindi pala to nakakatuwa. Parang kinakain mo yung sarili mong tae na talagang hindi nakakatuwa (related ba? bahala na!). Anyway, yun nga yung nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko tuwing nararanasan ko yun. Natatakot ako dahil nga sabi nila na nakakamatay daw ang bangungot. Si Rico Yan nga dinale, ako pa kaya na mas lamang ng dalawampu't apat na paligo sa kanya? Hmm. Sabihin mo nang makapal ako, pero wala kang magagawa, momento ko to ngayon. At yun na nga ang nangyari, bigla akong nagising pero nagulat ako at hindi ko magalaw yung katawan ko. Kahit mga daliri ko hindi ko magawa. Kahit yung pinakamaliit na finger ng paa ko o di kaya yung tenga ko. Wala. Ni hindi ko mabuka yung mga mata ko. Sobrang hirap na hirap ako. Ginawa ko, nirelax ko yung sarili ko, hindi ko pinilit na igalaw ang katawan ko. Tapos, dahan-dahan kong ginalaw mga daliri ko hanggang sa napagalaw ko na nga ng tuluyan pero kakaiba pa rin yung pakiramdam. Para akong kinukuryente. Pagkagising ko, takot na takot ako.
Isa sa pinakagrabeng naransan kong bangungot ay yung natutulog ako sa bahay at sa isang gabi eh dalawang beses akong binangungot. Yung tipong nagising na ako at pagkatulog ko ulit, bangungot ulit. Sabi ng Mommy ng aking asawa, nangyayari daw ang bangungot sa mga taong may sakit sa puso. Totoo nga naman dahil meron akong inborn na sakit sa puso na minana ko pa sa kaninununuan ng aming pamilya. Meron din akong nabasa na ayon sa research ng mga Intsik, Hapones at iba pang Asyanong syentipiko na kadalasan sa mga taong namatay nang dahil sa "acute hemorrhagic pancreatitis" o bangungot ay mga kumakain ng noodles bago matulog. Pero hindi daw ito ang talagang dahilan kung bakit nagkakabangungot ang mga tao. Ang talagang dahilan daw ay ang mga bagay na nagcacause sa isang tao para maging dehydrated kung tulog. Ang mabuting gawin ay uminom ng maraming tubig bago matulog. Bahala nang mapaihi ka habang natutulog, sakto lang yun basta hindi ka bangungotin. Importanteng hindi tayo inuuhaw habang natutulog dahil yun daw ang delikado. Kung ikaw ay isang adik naman sa noodles, kumain ng noodles dalawang oras bago matulog para ma-digest ng iyong istomak ang kinaing noodles at pagkatapos, uminom uli ng maraming tubig.
Isa sa pinakagrabeng naransan kong bangungot ay yung natutulog ako sa bahay at sa isang gabi eh dalawang beses akong binangungot. Yung tipong nagising na ako at pagkatulog ko ulit, bangungot ulit. Sabi ng Mommy ng aking asawa, nangyayari daw ang bangungot sa mga taong may sakit sa puso. Totoo nga naman dahil meron akong inborn na sakit sa puso na minana ko pa sa kaninununuan ng aming pamilya. Meron din akong nabasa na ayon sa research ng mga Intsik, Hapones at iba pang Asyanong syentipiko na kadalasan sa mga taong namatay nang dahil sa "acute hemorrhagic pancreatitis" o bangungot ay mga kumakain ng noodles bago matulog. Pero hindi daw ito ang talagang dahilan kung bakit nagkakabangungot ang mga tao. Ang talagang dahilan daw ay ang mga bagay na nagcacause sa isang tao para maging dehydrated kung tulog. Ang mabuting gawin ay uminom ng maraming tubig bago matulog. Bahala nang mapaihi ka habang natutulog, sakto lang yun basta hindi ka bangungotin. Importanteng hindi tayo inuuhaw habang natutulog dahil yun daw ang delikado. Kung ikaw ay isang adik naman sa noodles, kumain ng noodles dalawang oras bago matulog para ma-digest ng iyong istomak ang kinaing noodles at pagkatapos, uminom uli ng maraming tubig.
21 comments:
ang panget nmn nian haha:)) =))
ok naman yung story...:)
ah,maganda naman sya,kaso nga lng ung iba mali ang spelling.....:
tama , nakakatakot nga talaga kapag bangungutin ka . Ang ginagawa ko kapag umatake yong bangungot , i just pray... tapos buti , He grant my prayers na magising pa . :((
You know what's funny, eto yung topic namin ng kaibigan ko kanina.. sinabi ko sa knya na binangungot yata ako, tas kwinento ko sakanya yung 'hindi ako makagalaw' yung 'hindi ko kayang gumalaw' 'yung tingin ko may sakit ako sa puso'
was this a coincidence?
creepy -.-
Ngyaha. Mabuti naman po at nagawa niyo pang gumalaw Sir. :)
I think its called "Sleep Paralysis" .
Sakin naman merong sumasakal..tas nangyayari skin to pag antok n antok PA ko pero pinipilit kung gumising.
Sakin pinangongot na aku akala ko gising na aku pinangungut pa pala aku isang panaginip na dalawang beses aku binangongot at take note ngayun lang November 7,2018 time 9:52 morning Saudi time kinabahan aku dahil uuwi na akung pinas bukas dahil sa panaginip ko .
Nanaginip aku nag kita kami ng friend ko sa isang bahay at dati ko daw kwartu doon sya naka barracks afternun nag stretching daw kami kc lalaro kami ng basketball tapos pinuntahan ko daw yung kwarto ko sa kabailang bahay na may nakabalot na mahabang tarpulin tapos pag pasuk ko sa bahay dumilim na sabi ng kaibigan Hindi ko daw pinapatay yung mga lampara hinihipan ko para mapatay yung isa yung una napatay yung pangalawa Hindi mapatay patay tapos mainit hinayaan kulang tapos pumunta aku sa kwarto ko nakita ko yung isang kaibigan ko run nakahiga sa sofa nanood ng TV at iba kung mga batang pinsan Hindi nag tagal nakatulog aku tapos binangongot daw aku kumalma aku para magising nagising akala ko gising na aku kaya pumunta aku sa labas pag labas ko yung gripo Hindi ko mapatay patay yung tubig nya at tumingin aku sa labas umuulan naka bukas ang pinto ngayun gusto kung patayin yung gripo kaso lustrade yung fuset nya pumapasok na ang tubig nabigla aku ng may parang carpet na tumakip sa pinto .. Pero bago pa yun may binanggit akung pangalan ng babae na Lola ko Hindi ko maalala na hingan ko ng tulong pag akuy nangangailanabgan ng tulong ..nung tumakip ng yung carpet sa pinto dun na aku na gising talaga na ..may kasama takot..inaalala ko anu kaya ibig sabihin nun ..pauwi na aku ng pinas bukas dahil exit aku sa Saudi at gusto ko nakasama ang anak ko..
Nangyari din yan sakin kanina lang, ung diko maigalaw katawan ko tas parang may bumubulong sakin pero mulat ung mata ko kasi nakita ko nga best friend ko, sa iisang room lang kasi kami .di rin ako makapagsalita kaya diko siya matawag kahit na Nakikita ko siya.
Ang hirap palagi kong nara2nasan yun pagkapikit ko palang anjan na cia agad na parang my pilit na kumukuha skin.hindi ko magalaw buong katawan ko pilit ko dinidilat mata mo.para kong nkikipaglaban ky kamatayan..madalas ako binabangungot sobrang nkakatkot..dahilan kaya ako nag search ngayon ng mga dahilan ng bangungot.matagal na kasi tong nangyyri skin mdming beses na lalo na kapipikit ko palang anjan na cia..
Ako rin guys, halos gabi-gabi akong binabangungot , Ang pinaka worst yung kagabi , halos sumisigaw nako dahil sobrang ingay ng paligid at hindi ko maigalaw ang buo kong kong katawan ,buti nalang to the rescue agad si misis, 😄
Madalas din ako.nakakaranas ng bangongot pero sa hapon lang sa Gabi hindi.nmn.kaya kung maari ayoko ng ma tulog sa hapon .tpos naninikip ang dib dib ko kinakabahan ako. Pero wla nmn ako sakit sa puso katunayan nga andito ako sa abroad pinamedical nmn ako clear nmn wla akong sakit
Hindi ko na alam ang gagawin ko halos araw araw na akong binabangungot. 😢 Yung gusto ko pang matulog pero natatakot na ako baka hindi ko na makayanan at hindi na ako makagising. Parang may bumubulong sa akin at may kakaiba akong nakikita bago ako magising 😢 Parang may mga demonyong nakapaligid sa akin 😢 Hindi ko na kaya 😢
Omggg. Bangungot nga sya pa apat na araw ko na itong nararamdaman hindi ako makagalaw every morning tas kanina nakalimang bangungot akoo naninikip dibdib koo grabee. Then nagpray na lng ako at nawala din agad.
di na aq pinapatulog ng maayos.. qng maaari lang ayaw q na matulog kada pikit q d na aq makagalaw minuto inaabot bago ulit aq makagalaw tapos maya maya hihiga ulit aq pag pikit q ng mata q ganon na naman.
ako dn nagresearch ak kaya nabasa k mga naranasan nyo,march 26,11:30pm nakatulog na ak nakatagilid n ak kc sb pagnakatagilid d na bangungotin.pero bakit binabangungot prn ak d ak makagalaw ang mata ko d k mamulat pinipilt k hanggang nagicng ak.d k namalayan nakatulog ak ulit d k nmman mgalaw katawan k ngcng ak ulit kc pinipilit k ang gnwa k nagcelpon muna ak para d ak makatulog pero naicip k nman agad n magpray ak un nktulog n ak ulit at d n ak binangungot.
saktong 3 nawalan ng kuryente tapos yun edi walang ilaw tapos hindi ko magalaw yung katawan ko natatakot ako sa ingay napumapasok sa tenga ko hindi ko alm kung totoo ba yun o imaginasyon 😔 hindi ko mahila yung kumot ko pabalik sakin kanina kasi talagang hindi ako makagalaw hindi din ako makahinga ng maayos kasi nga parang may nakadagan sakin tapos yun may dumaan na sasakyan akala ko tapos na edi nakagalaw na ko nakuha ko na kumot ko pero di ako nagtaklob tapos yun umulit kahit kaya ko naman igalaw yung katawan ko di ko maigalaw para talagang may nakadagan sakin tapos yun saktong tunog nung cp ko 4 nawala na yung takot ko kasi nakagalaw na ko tapos nagkakuryente na . kaya ayaw kong walang kumot e 😠natatakot ako
Ako anytime of the day basta dito sa kwarto namin ako natutulog binabangungot talaga
Post a Comment