Showing posts with label Health. Show all posts
Showing posts with label Health. Show all posts

Monday, August 17, 2020

Bakit nga ba binabangungot ang tao? Ano ang dahilang ng bangungot oh sleep paralysis?

Eto na nga, binabangungot nanaman ako oh yung tinatawag ba nilang Sleep Paralysis. Last ko tong naranasan siguro nung nasa Manila pa ako and that was like 2009 pa. Umuwi ako sa probinsya at ditto na nanirahan pero unti unti ko nang nakakalimutan yung experiences ko dati pagdating sa bangungot. Nagdaan ang ilang taon hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala sa sistema ko. Pero hindi pala, andyan lang pala siya nakatago at nag-aabang lang kung kelan nanaman siya aatake. Traydor ang bangungot eh. Papatulogin ka tapos dun ka dadalihin habang natutulog. Anyway, naranasan ko naman ulit na bangungotin netong nakaraang araw lang. Tulog kami ng aking asawa at anak sa pagkakaalam ko nang bigla akong bangungotin. Gising ako pero hindi ko maigalaw mga kamay ko pati paa ko. Yung bang parang nakikita mo yung sarili mong nakahiga tapos hindi makagalaw. GInawa ko, nirelax ko lang sarili ko hanggang sa maigalaw ko na at magising na nang tuloyan.

Saturday, November 7, 2009

Dahilan ng Bangungot o ang Tinatawag na Sleep Paralysis

Isa sa pinakaayaw ko kapag natutulog ay yung binabangungot ako. Ilang beses ko na tong naranasan. Nagsimula ang lahat isang gabi sa bahay ng aking Tita sa Las PiƱas. Dati, akala ko kalokohan lang lahat ang bangungot pero nung naranasan ko na, hindi pala to nakakatuwa. Parang kinakain mo yung sarili mong tae na talagang hindi nakakatuwa (related ba? bahala na!). Anyway, yun nga yung nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko tuwing nararanasan ko yun. Natatakot ako dahil nga sabi nila na nakakamatay daw ang bangungot. Si Rico Yan nga dinale, ako pa kaya na mas lamang ng dalawampu't apat na paligo sa kanya? Hmm. Sabihin mo nang makapal ako, pero wala kang magagawa, momento ko to ngayon. At yun na nga ang nangyari, bigla akong nagising pero nagulat ako at hindi ko magalaw yung katawan ko. Kahit mga daliri ko hindi ko magawa. Kahit yung pinakamaliit na finger ng paa ko o di kaya yung tenga ko. Wala. Ni hindi ko mabuka yung mga mata ko. Sobrang hirap na hirap ako. Ginawa ko, nirelax ko yung sarili ko, hindi ko pinilit na igalaw ang katawan ko. Tapos, dahan-dahan kong ginalaw mga daliri ko hanggang sa napagalaw ko na nga ng tuluyan pero kakaiba pa rin yung pakiramdam. Para akong kinukuryente. Pagkagising ko, takot na takot ako.

Isa sa pinakagrabeng naransan kong bangungot ay yung natutulog ako sa bahay at sa isang gabi eh dalawang beses akong binangungot. Yung tipong nagising na ako at pagkatulog ko ulit, bangungot ulit. Sabi ng Mommy ng aking asawa, nangyayari daw ang bangungot sa mga taong may sakit sa puso. Totoo nga naman dahil meron akong inborn na sakit sa puso na minana ko pa sa kaninununuan ng aming pamilya. Meron din akong nabasa na ayon sa research ng mga Intsik, Hapones at iba pang Asyanong syentipiko na kadalasan sa mga taong namatay nang dahil sa "acute hemorrhagic pancreatitis" o bangungot ay mga kumakain ng noodles bago matulog. Pero hindi daw ito ang talagang dahilan kung bakit nagkakabangungot ang mga tao. Ang talagang dahilan daw ay ang mga bagay na nagcacause sa isang tao para maging dehydrated kung tulog. Ang mabuting gawin ay uminom ng maraming tubig bago matulog. Bahala nang mapaihi ka habang natutulog, sakto lang yun basta hindi ka bangungotin. Importanteng hindi tayo inuuhaw habang natutulog dahil yun daw ang delikado. Kung ikaw ay isang adik naman sa noodles, kumain ng noodles dalawang oras bago matulog para ma-digest ng iyong istomak ang kinaing noodles at pagkatapos, uminom uli ng maraming tubig.
 
Blogger Wordpress Gadgets