Eto at may isa nanamang pasikat sa mundo ng Social Media. Isang estudyante ng Our Lady of Fatima College na kumukuha ng kursong B.S. Criminology and nanapak at nagsisisigaw sa loob ng bus na may bitbit na baril. Ang hambog na estudyante ay di pa nakikilala pero makikita sa video na nakauniporme pa eto. Hindi pa nga Police ang batang eto pero mayabang na at pasikat pa. Natakot umano ang mga tao sa loob ng bus pati ang conductor na tumulong sa grupo ng babae dahil may bitbit daw na baril ang estudyante.
Showing posts with label Bad News. Show all posts
Showing posts with label Bad News. Show all posts
Sunday, October 16, 2016
Our Lady of Fatima College Criminology Student Nagwala sa Bus
Labels:
Bad News,
Pinay Scandal,
Trending,
Viral
Saturday, March 15, 2014
BREAKING NEWS: Bagong Modus ng mga holdaper!
BREAKING NEWS: Kalimutan ang issue tungkol sa Janet Napoles and PDAF Scam, Malaysian Airlines, CFC Cudia, at kung anu-ano pa. Mag-ingat sa mga holdaper lalo na sa mga babae. Mga holdaper, may bagong modus sa mga biktima, basahin ang detalye. Kung ikaw ay may malasakit sa iyong asawa, anak na dalaga, pinsan na babae, apo na babae at lola, mangyari po lamang na ikalat ang balitang ito.
Saturday, August 11, 2012
Go For Gold China!!!
Nakita ko lang to sa Facebook at mukhang hindi kaaya-aya para sa mga kabataan ang larawang ito. Masyado naman atang pinapahirapan ng mga Chinese instructors tong mga batang to para lang matuto ng kung anong sport ang dapat nilang matutunan. Malamang hinahayaan lang din to ng kanilang Gobyerno dahil meron nga silang one child policy eh. Hayop talagang mga intsik to, ang brutal!
Thursday, November 26, 2009
Masaker sa Maguindanao, Gawa nga ba ng mga Ampatuan?
Badtrip! Badtrip na balita nanaman ang lumalabas sa lahat ng pwedeng paglabasan ng kung anu-anong balita. Ampatuan vs Mangudadatu. Malupit nga naman talaga ang ginawa ng mga taong hayop at halang ang kaluluwa dun sa masaker nung Lunes sa Maguindanao. Hindi kaaya-aya at hindi katanggap-tanggap. Kawawa yung mga babae at sa narinig ko ay may kasama pang mga bata na naging biktima ng masaker. Bakit kaya hindi nila kayang pag-usapan ng mahinahon at kailangan pang idaan sa pagkapatay ng 57 ka tao. Lintik na politika talaga yan. Gahaman! Hindi talaga maganda ang naidudulot ng politika sa tao. Kundi pumatay eh nagiging swapang at nangungurakot para lang magkapera. Nakita ko kanina sa TV na dinala sa NBI si Mayor Ampatuan. Pagkababa nya pa lang ng eroplano ay hindi mo makikitaan ng pagkalungkot at parang naka-smile pa siya na para bang nagpapapicture taking lang sa mga media. Naalala ko dati sa aking dating skwela kung saan nag-aaral ang mga Ampatuan boys (Mga Anak ng mga Ampatuan) na kung minsan may makaaway silang studyante eh agad-agad maraming sasakyan ang nakaabang sa labas ng gate namin. No stir tong kwento ko dahil dati akong nag-aaral sa isang magarbong skwelahan sa aming probinsiya. Dapat matigil na ang patayan at magkaroon ng kaayusan ang ating bayan. Hindi lang ata sa Gobyerno natin isisi ang lahat kundi sa ating mga Pinoy din na may kanya-kanyang pananagutan sa bayan. Ang hirap talagang intindihin ang kanilang ginawa. Sa ginawa ba nila eh maaayos ang problema? Dapat magbago na talaga tayong mga Pinoy. Dapat ayusin na natin ang ating mga sarili. Patira lang isang beses, Hayop Kayo! Kung Sino Man Kayong May Pasimuno Ng Masaker!
Mula dito ang larawan: Klik Mo Ko
Mula dito ang larawan: Klik Mo Ko
Saturday, October 31, 2009
Bagyong Santi
Kahindik-hindik na talaga ang mga nangyayari sa ating bansa ngayon. Pang-apat na bagyo na si "Santi" na dumalaw sa ating bansa sa loob lamang ng mahigit isang buwan. Kaninang umaga nung papauwi na ako galing trabaho eh nagulat ako dahil biglang nag-brownout. Sobrang dilim sa opisina pero mga computer gumagana. Nabadtrip tuloy ako dahil hindi pa rin ako makakatakas sa mga calls. Nung pagkalabas ko ng building namin, gulat ako dahil sobrang lakas ng hangin. Mga road signs ay nangatumba at mga puno ay nagsasayawan ng "otso-otso". Hindi ko ininda ang hangin at nagsindi pa rin ako ng yosi. Pampainit lang. Nang ako'y pauwi na, ang daming pasahero ang nakaabang ng bus at halos wala pang masakyang bus. Kung merong isang bus, sobrang-sobra pa ito sa sardinas dahil sa sikip. Kaya nag-abang na lang ako ng nag-abang. Nakakatrauma na ang mga nangyayari lalo pa't sabi ni Mama (Mommy ng girlfriend ko), isang pastor, na ang bagyong magsisimula sa letter "S" ang pinakamalakas. Hindi ko lang lubos maisip kung saan niya ito nakuha. Kaya talagang inaabangan namin ito dahil nga nakakatakot daw ito. Pinagbasa pa ako ni Mama ng Bible sa libro ni Jeremiah chapter 47 at 49 tungkol sa mga kalamidad. Sa awa ng Diyos, maayos naman ang aking pag-uwi kanina pero sana, hindi na maulit ang mga nagdaang masasamang pangyayari sa ating bansa.
Labels:
Bad News
Tuesday, September 1, 2009
Batingting Taxi

Kani-kanina lang sumakay ako ng taxi papuntang opisina. Galing ako sa opisina naman ng girlfriend ko sa Cubao kasi hinatid ko siya. Gentleman eh. Pumara ako ng taxi at sabi ko hatid niya ako sa may Ortigas. Nagulat ako dahil nung nasa P. Tuazon pa lang kami papuntang EDSA, Php40 na kaagad ang nabayaran ko. Eh nung isang gabi lang, galing din akong opisina ni Girlfriend at nag-taxi ulit ako, nasa Crame pa lang kami nang mag-40 ang patak. Tapos eto pa, ang hayop na metro ng taxi, walang Php47.50. Kumbaga eh, galing Php45, dumiretso agad ng Php50. Tama ba yun? Hayop talaga. Nung isang gabi, hindi pa umabot ng Php70 yung nabayaran ko pero kanina, Php90 na. Hayop na matandang putang inang driver na yun. Ipagdadasal kong mawalan siya ng trabaho at prangkisa ang kanilang taxi. Heto nga pala ang pangalan ng taxi at ang plate number, JOHDYAN TXA-148.
Labels:
Bad News

