Noong unang panahon, biglang nag-trip ang Panginoon na magpaulan ng Ilong para sa sangkatauhan. Nangyari ang lahat sa tanghaling tapat sa harap ng kubo ni Aling Bakat.
Dumalo ang kanya-kanyang representative ng bawat bansa sa buong mundo. Andun ang mga Amerikano, French, Intsik, Hapones at kung sinu-sino pa. Handa na ang lahat maliban kay Totong. Si Totong ang nag-representa sa ating bansa. Nakapila ang lahat ng lumahok ngunit si Totong ay natulog sa duyan ni Aling Bakat. Inisip ni Totong na matagal pang magsisimula ang paulan ng ilong kaya't natulog muna ito. Tinawag na ng Panginoon ang mga tao at dali-daling nagsitumpukan sa harap ng kubo ni Aling Bakat. Sinimulan na ang pagpapaulan at nag-unahang makakuha ang representative ng bawat bansa. Nag-unahang makakuha ng maaayos at magagandang ilong ang mga taga ibang bansa at halos maubos na ang lahat. Masayang nakakuha ang mga tao nang biglang magising si Totong. Gulat si Totong nang malamang tapos na pala ang pagpapaulan at nang pumunta siya sa tapat ng kubo ni Aling Bakat, nakita niyang may natira pang ilong sa lansangan. Nagulat siya sa nakita niya, ang mga ilong na natira ay ang mga tinapak-tapakan na ng mga taga-ibang bansa. Walang nagawa si Totong kundi damputin ang mga ito at angkinin. Salamat kay Totong pango ang ilong natin.
galing dito ang larawan

17 comments:
lolx.... =)) :|
hahaha .. pango daw .. :)) , ;)
:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( ;) ;( :X =(( :-o :-/ :-* 8-} :)] :-t b-( :-L x( =))
batugan tlga ang PINOY:))
hahaha / ganun pala yun. now i know..
:D
gago gd c totong hay////
:-/
ah... ganun pala :-/
walang hiya ka totong kaw pala ang dahilan kong bakit pango ang ilong ko...huhuh :((
Pagpasensyahan niyo na lang si Totong. Tanga eh. Lol.
i hate myself bcoz of my nose :(
HAHAHAHA LOL :D
HAHAHAHA LOL :D
HAHA!!!!!! nakakaluka.... =))
Hahahaha
Loko loko!
sino author neto
Post a Comment