Roland “Bunot” Abante, a local of Oslob, Cebu could be the next rising superstar of the Philippines. Bunot’s rendition to the Bee Gees’ “To Love Somebody” have made the netizens crave for more from him. His voice was like Rod Stewart’s and he really sing so well that could literally give us goose bumps.
Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Friday, November 21, 2014
Roland "Bunot" Abante, The New Internet Sensation from Cebu
Roland “Bunot” Abante, a local of Oslob, Cebu could be the next rising superstar of the Philippines. Bunot’s rendition to the Bee Gees’ “To Love Somebody” have made the netizens crave for more from him. His voice was like Rod Stewart’s and he really sing so well that could literally give us goose bumps.
Labels:
Entertainment,
Pinoy,
Trending,
Videos,
Youtube
Friday, July 4, 2014
Funny Pinoy Pranks by Pumped Up Pranks and Pinoy Public Pranks
So, nauuso nanaman ang mga pranks at marami sa atin ang talagang natutuwa at natatawa sa mga idea ng mga taong ito para magpublic trolling at mangtrip ng mga stranger. Bilang fan ng mga prank videos sa Youtube, gusto kong i-share sa inyo itong mga magagaling na mga Pinoy na malalakas ang loob para mangtrip at mang-asar sa mga tao. Introducing, Pumped Up Pranks from Baguio and Pinoy Public Pranks na parang taga Camarines Norte (Hindi po ako sure). Nakakabilib ang lakas ng loob ng mga tao at nakakatuwa ang mga videos nila. Dati, limited lang tayo sa Wow Mali videos when it comes to public trolling, ngayon, meron na tayong choices gaya ng PUP at PPP. Sana dumami pa ang mga prank videos nila dahil simula ngayon, isa na akong fan ng mga taong to. Cheers! Eto nga pala ang mga sample videos nila sa baba. Enjoy!
Thursday, August 9, 2012
Mga dapat gawin kapag may baha!
Ano nga ba ang dapat gawin kapag binabaha ang ating lugar? Eto ang mga tips para malaman natin ang mga dapat gawin kapag may baha sa ating lugar. Galing dito ang picture!
Bourne Legacy Deleted Scene
Alam niyo bang may deleted scene sa Bourne Legacy dun sa airport scene nila? Eto ang picture oh, tingnan niyong mabuti ang dahilan kung bakit ito tinanggal!
Labels:
Movies,
Pinay Scandal,
Pinoy
Friday, March 5, 2010
Hello Cebu!
Whew, medyo matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapagpost dito sa blog kong to. Malamang busy ako dun sa kabilang blog. Anyway, gusto ko lang malaman niyo na andito ako ngayon sa Cebu kasama ang aking mga magulang. Actually, ok naman yung punta ko dito at maayos naman ang lahat. Nakakatuwa kasi hindi ko na kailangang pumunta sa internet cafe para lang mag-internet dahil ngayon, mayabang na ako, may laptop na 'ko kunwari. Para lang malaman niyo, sa Tatay ko to, ninanakaw ko lang. Mas nagpaganda pa dyan eh meron na rin akong ginagamit na medyo maayos na camera. Kaya nga kanina, maghapon akong nag-ikot dito sa Cebu para lang makakuha ng mga magagandang mga shots. Umabot akong Magellan's Cross tapos punta naman akong Mactan Bridge. Sa susunod pupuntahan ko naman yung mga beach na part ng Cebu at sana ay may mga maayos akong mga makikita. Gusto ko lang naman talagang i-post ang aking mga shots kanina at sana'y ma-appreciate niyo!
Tuesday, December 15, 2009
Simbang Gabi Nanaman!
December 16 nanaman at magsisimula nanaman ang Simbang Gabi. Isang tradisyon nating mga Pinoy na minana pa natin mula sa mga Kastila. Simbang Gabi na dinadagsa ng nakararami. Tradisyong makahulogan lalo na sa mga kababayan nating Katoliko. Taon-taon ay lage kaming nagsisimba ng aking pamilya tuwing Simbang Gabi. Madalas ang Nanay ko ang nakakakumpleto sa pagdalo ng Sagradong Misa na ito. Masaya nga naman ang Simbang Gabi dahil pagkagaling mo sa Simbahan, may Puto Bumbong nang nakaabang. Marami pang ibang tinitinda tuwing Simbang Gabi. Tuwing Simbang Gabi ay marami akong nakikitang mga kakilala ko na dati ay hindi ko naman nakikitang nagsisimba. Naisip ko na lang na mas mabuti na tong maging simula para sa kanila para magbago at manalig sa Poong Maykapal.
Isang araw, kumakain kami sa isang Carenderia na malapit sa aming opisina at bigla niyang sinabing gustong-gusto daw niyang mag-simbang gabi. Tinanong ko kung bakit, sabi niya eh dahil daw masaya daw ito. Bigla kong naisip, bakit nga ba mas marami ang nagsisimba tuwing Simbang Gabi at kung Simbang Linggo, halos walang katao-tao. Ano ang pagkakaiba ng dalawa eh parehong Misa lang naman ang nangyayari. Minsan, yung mga kabarkada ko dati, lasing sila at pumunta pa rin ng Simbahan. Hindi ko maintindihan kung naiintindihan ng mga tao ang kahulugan ng Simbang Gabi o para sa kanila ay pawang kalokohan lamang ito.
Sana, sa taong ito, ang Simbang Gabi ay maging makahulugan para sa ating mga Pinoy.
Labels:
Pinoy
Thursday, November 26, 2009
Masaker sa Maguindanao, Gawa nga ba ng mga Ampatuan?
Badtrip! Badtrip na balita nanaman ang lumalabas sa lahat ng pwedeng paglabasan ng kung anu-anong balita. Ampatuan vs Mangudadatu. Malupit nga naman talaga ang ginawa ng mga taong hayop at halang ang kaluluwa dun sa masaker nung Lunes sa Maguindanao. Hindi kaaya-aya at hindi katanggap-tanggap. Kawawa yung mga babae at sa narinig ko ay may kasama pang mga bata na naging biktima ng masaker. Bakit kaya hindi nila kayang pag-usapan ng mahinahon at kailangan pang idaan sa pagkapatay ng 57 ka tao. Lintik na politika talaga yan. Gahaman! Hindi talaga maganda ang naidudulot ng politika sa tao. Kundi pumatay eh nagiging swapang at nangungurakot para lang magkapera. Nakita ko kanina sa TV na dinala sa NBI si Mayor Ampatuan. Pagkababa nya pa lang ng eroplano ay hindi mo makikitaan ng pagkalungkot at parang naka-smile pa siya na para bang nagpapapicture taking lang sa mga media. Naalala ko dati sa aking dating skwela kung saan nag-aaral ang mga Ampatuan boys (Mga Anak ng mga Ampatuan) na kung minsan may makaaway silang studyante eh agad-agad maraming sasakyan ang nakaabang sa labas ng gate namin. No stir tong kwento ko dahil dati akong nag-aaral sa isang magarbong skwelahan sa aming probinsiya. Dapat matigil na ang patayan at magkaroon ng kaayusan ang ating bayan. Hindi lang ata sa Gobyerno natin isisi ang lahat kundi sa ating mga Pinoy din na may kanya-kanyang pananagutan sa bayan. Ang hirap talagang intindihin ang kanilang ginawa. Sa ginawa ba nila eh maaayos ang problema? Dapat magbago na talaga tayong mga Pinoy. Dapat ayusin na natin ang ating mga sarili. Patira lang isang beses, Hayop Kayo! Kung Sino Man Kayong May Pasimuno Ng Masaker!
Mula dito ang larawan: Klik Mo Ko
Mula dito ang larawan: Klik Mo Ko
Friday, October 2, 2009
Jacque Bermejo, totoo ba ang nasa Facebook?
May nabasa akong article galing sa ABS-CBN's website na ang sabi eh hindi daw totoo ang mga paratang na si Jacque Bermejo nga ang naglagay ng kahindik-hindik na post sa kanyang account sa Facebook. Tama nga namang wag agad tayong mambintang pero hindi tama ang nakasulat sa Facebook account nya. Ang talagang nakakaalam ng katotohanan dito ay si Jacque lamang. Siya at siya lang. Sinasabi ni Jacque dun sa exclusive interview niya sa ABS-CBN na na-hack daw ang kanyang account 2 years na ang nakakalipas. Sinasabi niyang ang nag-hack ng account niya ang nagbitaw ng mga ganung salita sa "Wall" niya sa Facebook.
Base sa mga binitawang salita ni Jacque sa Facebook, nagmumukha tuloy siyang mayabang at may pa-english-english pa eh barok naman. Pero, nang mabasa ko ang mga statements niya sa ABS-CBN website, napaka-straight niyang mag-english na akala mo ay isang amerikana. Inisip ko tuloy, may kaaway lang si Jacque Bermejo at gusto lang siyang siraan nito. Sana lang, ginalingan na lang niya ang english nya para kapanipaniwala ang mga statement niya. Nagmukha tuloy siyang kahiya-hiya.
Sana lang, sa panahong nagluluksa ang mga Pinoy ay wala tayong awayan. Eto yung panahon na dapat tayong magtulungan at magdamayan. Parating pa si Pareng Peping na sinasabi ng PAG-ASA na mas malakat at matibay pa kay Pareng Ondoy. Sadyang ganyan lang talaga ang buhay Pinoy, nasa taas minsan at nasa ibaba naman minsan. Sana, sa pagdating pa ng mga bagong sakuna ay wala na ring mga isyung kagaya nito na lalo pang nagpapagulo ng mga buhay ng mga Pinoy.
Base sa mga binitawang salita ni Jacque sa Facebook, nagmumukha tuloy siyang mayabang at may pa-english-english pa eh barok naman. Pero, nang mabasa ko ang mga statements niya sa ABS-CBN website, napaka-straight niyang mag-english na akala mo ay isang amerikana. Inisip ko tuloy, may kaaway lang si Jacque Bermejo at gusto lang siyang siraan nito. Sana lang, ginalingan na lang niya ang english nya para kapanipaniwala ang mga statement niya. Nagmukha tuloy siyang kahiya-hiya.
Sana lang, sa panahong nagluluksa ang mga Pinoy ay wala tayong awayan. Eto yung panahon na dapat tayong magtulungan at magdamayan. Parating pa si Pareng Peping na sinasabi ng PAG-ASA na mas malakat at matibay pa kay Pareng Ondoy. Sadyang ganyan lang talaga ang buhay Pinoy, nasa taas minsan at nasa ibaba naman minsan. Sana, sa pagdating pa ng mga bagong sakuna ay wala na ring mga isyung kagaya nito na lalo pang nagpapagulo ng mga buhay ng mga Pinoy.
