Dahil sa kakulitan ng aking partner, napagastos tuloy kami ng P1,200 para lang sa isang dinner. Pero sakto lang, masarap, presko at masebo ang aming kakainin. Masaya kumain sa Tong Yang, kasi ikaw pa magluluto ng kakainin mo. Alam na alam mong bagong luto talaga, umuusok at mainit-init pa. Badtrip lang kasi nakakapaso pala yung pot. Ang bobo nga naman talaga ng mga ideya kong hawakan ang pot. Eto pa ang the best, lahat unlimited. Unlimited kanin, ulam pati drinks kasama. Pwedeng pwedeng mag-inuman sa loob ng Tong Yang dahil yung Draft Beer nila kasama sa package. Wan-to-Sawa ka! Lugi nga lang kaming dalawa ng girlfriend ko kasi 8:00p.m. na kami dumating at magsasara ang tindahan nila ng 10:00p.m. Hindi ko tuloy naenjoy ang P560 ko. Actually, pangalawang beses na naming pumunta sa lugar na to. Nung una, asar ako kasi kakaunti lang nakain ko. Pero eto, ilang ulit din akong nakabalik sa buffet nila. At nang kami'y mabusog, umuwi diretso at natulog. Sana maulit muli ang aking karanasan kasama si Tong Yang.
0 comments:
Post a Comment