Sunday, September 12, 2010

Basagin Ko Lang Trip Mo Brad

Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong sobrang kupal na walang pakialam sa ibang tao na nasa paligid nila. Nangyari ang lahat kahapon, nang mag-online ako sa isang computer shop malapit sa bahay ng uncle ko.
Hayop yung bagong dating na lalaki, gumamit ng PC sa tabi ko at nagpapatugtog ng mga kanta galing sa PC. Ok na sana eh kasi naka-headset naman siya pero ang hinayupak, kumakanta pa ng napakalakas. Para bang yung Nanay mo na tumatalak kada umaga kapag late kang nagising. Mas malakas pa ata dun dahil may sub-woofer yung bibig ng lalaki. Naisip ko tuloy bigyan ng pulboron at pakantahin yun, ano kaya mangyari sa kanya.

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets