Monday, August 17, 2020

Bakit nga ba binabangungot ang tao? Ano ang dahilang ng bangungot oh sleep paralysis?

Eto na nga, binabangungot nanaman ako oh yung tinatawag ba nilang Sleep Paralysis. Last ko tong naranasan siguro nung nasa Manila pa ako and that was like 2009 pa. Umuwi ako sa probinsya at ditto na nanirahan pero unti unti ko nang nakakalimutan yung experiences ko dati pagdating sa bangungot. Nagdaan ang ilang taon hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala sa sistema ko. Pero hindi pala, andyan lang pala siya nakatago at nag-aabang lang kung kelan nanaman siya aatake. Traydor ang bangungot eh. Papatulogin ka tapos dun ka dadalihin habang natutulog. Anyway, naranasan ko naman ulit na bangungotin netong nakaraang araw lang. Tulog kami ng aking asawa at anak sa pagkakaalam ko nang bigla akong bangungotin. Gising ako pero hindi ko maigalaw mga kamay ko pati paa ko. Yung bang parang nakikita mo yung sarili mong nakahiga tapos hindi makagalaw. GInawa ko, nirelax ko lang sarili ko hanggang sa maigalaw ko na at magising na nang tuloyan. Siguro, bumalik lang tong bangungot ko dahil stress ako nitong mga nakaraang araw. Stress ako dahil sa yung asawa ko nagkalagnat at natakot ako baka kako eh nagka-Covid19 na siya. Nung nagpacheck-up kami, UTI pala yung sakit nya. Siguro masyadong kong dinibdib yun kaya nagkaganun. Mahirap pala kapag stress ka at wala kang saktong pahinga dahil ako lage ang gumigising sa kanya para uminom na ng gamot nya. Sa sobrang stress ko eh siguro nakalimutan ko nang uminom ng maraming tubig bago matulog na siyang nakasanayan ko. Ngayon, takot na takot na akong matulog. Parang ayaw ko na lang matulog kasi natatakot ako lalo pa’t minsan ako lang mag-isa sa kwarto namin kapag off duty ako. Sa ngayon, eh hindi ko na ulit siya naranasan at sana hindi na bumalik. Sinisiguro ko nang maging stress free ako at nakainom lage ng maraming tubig bago matulog. Nakakatakot kasi baka kunin na ako ni Lord habang tulog.

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets