Thursday, November 26, 2009

Masaker sa Maguindanao, Gawa nga ba ng mga Ampatuan?



Badtrip! Badtrip na balita nanaman ang lumalabas sa lahat ng pwedeng paglabasan ng kung anu-anong balita. Ampatuan vs Mangudadatu. Malupit nga naman talaga ang ginawa ng mga taong hayop at halang ang kaluluwa dun sa masaker nung Lunes sa Maguindanao. Hindi kaaya-aya at hindi katanggap-tanggap. Kawawa yung mga babae at sa narinig ko ay may kasama pang mga bata na naging biktima ng masaker. Bakit kaya hindi nila kayang pag-usapan ng mahinahon at kailangan pang idaan sa pagkapatay ng 57 ka tao. Lintik na politika talaga yan. Gahaman! Hindi talaga maganda ang naidudulot ng politika sa tao. Kundi pumatay eh nagiging swapang at nangungurakot para lang magkapera. Nakita ko kanina sa TV na dinala sa NBI si Mayor Ampatuan. Pagkababa nya pa lang ng eroplano ay hindi mo makikitaan ng pagkalungkot at parang naka-smile pa siya na para bang nagpapapicture taking lang sa mga media. Naalala ko dati sa aking dating skwela kung saan nag-aaral ang mga Ampatuan boys (Mga Anak ng mga Ampatuan) na kung minsan may makaaway silang studyante eh agad-agad maraming sasakyan ang nakaabang sa labas ng gate namin. No stir tong kwento ko dahil dati akong nag-aaral sa isang magarbong skwelahan sa aming probinsiya. Dapat matigil na ang patayan at magkaroon ng kaayusan ang ating bayan. Hindi lang ata sa Gobyerno natin isisi ang lahat kundi sa ating mga Pinoy din na may kanya-kanyang pananagutan sa bayan. Ang hirap talagang intindihin ang kanilang ginawa. Sa ginawa ba nila eh maaayos ang problema? Dapat magbago na talaga tayong mga Pinoy. Dapat ayusin na natin ang ating mga sarili. Patira lang isang beses, Hayop Kayo! Kung Sino Man Kayong May Pasimuno Ng Masaker!

Mula dito ang larawan: Klik Mo Ko

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets