December 16 nanaman at magsisimula nanaman ang Simbang Gabi. Isang tradisyon nating mga Pinoy na minana pa natin mula sa mga Kastila. Simbang Gabi na dinadagsa ng nakararami. Tradisyong makahulogan lalo na sa mga kababayan nating Katoliko. Taon-taon ay lage kaming nagsisimba ng aking pamilya tuwing Simbang Gabi. Madalas ang Nanay ko ang nakakakumpleto sa pagdalo ng Sagradong Misa na ito. Masaya nga naman ang Simbang Gabi dahil pagkagaling mo sa Simbahan, may Puto Bumbong nang nakaabang. Marami pang ibang tinitinda tuwing Simbang Gabi. Tuwing Simbang Gabi ay marami akong nakikitang mga kakilala ko na dati ay hindi ko naman nakikitang nagsisimba. Naisip ko na lang na mas mabuti na tong maging simula para sa kanila para magbago at manalig sa Poong Maykapal.
Isang araw, kumakain kami sa isang Carenderia na malapit sa aming opisina at bigla niyang sinabing gustong-gusto daw niyang mag-simbang gabi. Tinanong ko kung bakit, sabi niya eh dahil daw masaya daw ito. Bigla kong naisip, bakit nga ba mas marami ang nagsisimba tuwing Simbang Gabi at kung Simbang Linggo, halos walang katao-tao. Ano ang pagkakaiba ng dalawa eh parehong Misa lang naman ang nangyayari. Minsan, yung mga kabarkada ko dati, lasing sila at pumunta pa rin ng Simbahan. Hindi ko maintindihan kung naiintindihan ng mga tao ang kahulugan ng Simbang Gabi o para sa kanila ay pawang kalokohan lamang ito.
Sana, sa taong ito, ang Simbang Gabi ay maging makahulugan para sa ating mga Pinoy.
0 comments:
Post a Comment