Friday, March 5, 2010

Hello Cebu!

Whew, medyo matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapagpost dito sa blog kong to. Malamang busy ako dun sa kabilang blog. Anyway, gusto ko lang malaman niyo na andito ako ngayon sa Cebu kasama ang aking mga magulang. Actually, ok naman yung punta ko dito at maayos naman ang lahat. Nakakatuwa kasi hindi ko na kailangang pumunta sa internet cafe para lang mag-internet dahil ngayon, mayabang na ako, may laptop na 'ko kunwari. Para lang malaman niyo, sa Tatay ko to, ninanakaw ko lang. Mas nagpaganda pa dyan eh meron na rin akong ginagamit na medyo maayos na camera. Kaya nga kanina, maghapon akong nag-ikot dito sa Cebu para lang makakuha ng mga magagandang mga shots. Umabot akong Magellan's Cross tapos punta naman akong Mactan Bridge. Sa susunod pupuntahan ko naman yung mga beach na part ng Cebu at sana ay may mga maayos akong mga makikita. Gusto ko lang naman talagang i-post ang aking mga shots kanina at sana'y ma-appreciate niyo!

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets