Thursday, August 9, 2012

Atras pa!

Putang ina talaga. Ako pinagmaneho ng Tatay ko nung sasakyan namin para mag-escort dun sa isang trak na may dalang mga chicks papuntang somewhere over the rainbow. Nang makarating kami sa paroroonan namin, nagbacking ako at hindi ko namalayan namay puno pala sa likod ko. Hayop talaga! Ang saya ko pang nagsasoundtrip sa loob ng sasakyan habang umaatras ng biglang may malakas na kalabog akong narinig. Nagulat ako at natulala. Putang ina may puno pala ng niyog sa likod ng sasakyan. Tumahimik lang ako at di ko agad sinabi kay Tatay para di ako mapagalitan. Pero nung pauwi na kami ng bahay, habang pinaparking ko na yung sasakyan, napansin niyang may tupi yung bumper sa likod. Napa-smile na lang ako ng slight at sabi ko, may naatrasan akong puno kanina. Mabuti na lang di niya ako binatukan. Hehe. Tanga tanga ko talaga. Mabuti na lang walang niyog na nahulog nung maatrasan ko yung puno kundi pati bubong tupi. Mapapatambling na lang ako siguro ng bigla kapag nakita ni Tatay.

0 comments:

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment

 
Blogger Wordpress Gadgets