Showing posts with label Wala lang. Show all posts
Showing posts with label Wala lang. Show all posts

Thursday, August 9, 2012

Atras pa!

Putang ina talaga. Ako pinagmaneho ng Tatay ko nung sasakyan namin para mag-escort dun sa isang trak na may dalang mga chicks papuntang somewhere over the rainbow. Nang makarating kami sa paroroonan namin, nagbacking ako at hindi ko namalayan na

Thursday, October 21, 2010

Bwesit na Butiki!

Badtrip naman oh! Sobrang busy kong kakabrowse sa Internet nang biglang may dumapo sa aking batok. Hinawakan ko dahil akala ko insekto ngunit ako'y nabigla, namangha sa mga nakita ko sa aking kamay. Kulay itim at puting malagkit na hindi ko malaman kung ano.

Saturday, July 3, 2010

Little Rascals - Sana bata na lang ako.

Naalala ko noong panahon ng aking kabataan, paboritong paborito kong panoorin tong palabas na to. Nakakatuwa silang lahat lalo na yung mga kalokohang ginagawa nila. Sabay kanta ng "You are so beautiful...to me". Wuhoo! Ang saya! Ngayong ang tanda ko na, parang naisip ko na mas masaya pa rin talaga ang maging bata. Walang pinoproblemang kung anu-anong shit (linya nagmula sa TNL blog). Nakakamiss yung mga nilalarong taguan, habulan at bahay-bahayan at yung crush ko pa ang Nanay-nanayan. Ano kaya kung ang lahat ng tao eh kagaya kay Benjamin Button? Pagkaanak sayo eh matanda ka na. Kung ganun ka katanda pagkaanak mo eh pareho lang naman na may mag-aalaga sayo at may magpupunas ng pwet mo kung natae ka man sa shorts mo. Pero hindi rin, pangit rin pala. Kulubot kang lalabas sa sinapupunan ng Nanay mo. Mukha kang halimaw kasi isa kang matandang baby. Ikaw ang natatanging patunay na meron ngang tiyanak! Pero siya, sige, wala naman talaga akong ibang sasabihin kundi ang mag-satsat lang tungkol sa pagkabata at para lang ma-update ulit tong blog na to dahil napabayaan ko na. Tingnan mo, ang huling post eh March pa pala. Hayop sa katamaran talaga ang isang katulad ko. Sisimulan ko na ulit ang mag-post dito ng kung anu-ano.

Wednesday, August 26, 2009

Pagbabago! Reporma!

May napansin akong kakaiba sa blog na to ah? Alam niyo ba kung ano yun? Leche! October 30, 2008 pa yung huling post ko. Kalokohan naman. Pero eto, napag-isip-isip ko, dapat ata i-update ko naman to. Kahit ano na lang. Kahit anong trip basta may trip. Ni hindi ko alam kung anong ilalagay basta, maglalagay ako at mag-uupdate dito. Abangan ang mga susunod na kabanata. :D
 
Blogger Wordpress Gadgets