Naalala ko noong panahon ng aking kabataan, paboritong paborito kong panoorin tong palabas na to. Nakakatuwa silang lahat lalo na yung mga kalokohang ginagawa nila. Sabay kanta ng "You are so beautiful...to me". Wuhoo! Ang saya! Ngayong ang tanda ko na, parang naisip ko na mas masaya pa rin talaga ang maging bata. Walang pinoproblemang kung anu-anong shit (linya nagmula sa TNL blog). Nakakamiss yung mga nilalarong taguan, habulan at bahay-bahayan at yung crush ko pa ang Nanay-nanayan. Ano kaya kung ang lahat ng tao eh kagaya kay Benjamin Button? Pagkaanak sayo eh matanda ka na. Kung ganun ka katanda pagkaanak mo eh pareho lang naman na may mag-aalaga sayo at may magpupunas ng pwet mo kung natae ka man sa shorts mo. Pero hindi rin, pangit rin pala. Kulubot kang lalabas sa sinapupunan ng Nanay mo. Mukha kang halimaw kasi isa kang matandang baby. Ikaw ang natatanging patunay na meron ngang tiyanak! Pero siya, sige, wala naman talaga akong ibang sasabihin kundi ang mag-satsat lang tungkol sa pagkabata at para lang ma-update ulit tong blog na to dahil napabayaan ko na. Tingnan mo, ang huling post eh March pa pala. Hayop sa katamaran talaga ang isang katulad ko. Sisimulan ko na ulit ang mag-post dito ng kung anu-ano.
1 comments:
namiss ko ang pagiging children ko ! kaya gusto ko maging forever young eh....
Post a Comment